Sunday, August 14, 2005



GROUND ZERO

Isang taon na ang nakalipas. Marami na ang nagbago. Ang mahirap sa akin ngayon ay tanggapin na wala na talagang mangyayari sa akin kung tinuloy ko pa.

Bumalik ako sa lugar at hinintay ko ang hangin. Sa loob ko, ayoko muna umalis doon dahil kung umalis ako, ibig sabihin may kailangan ulit baguhin sa sarili ko.


Ang presidente na mahilig mag-senti.


Huwag mo ako itanong ano nangyayari sa akin. Marami pang mas-importante na bagay na kailangan ayusin kung gusto ko maging isang responsableng broadcast journalist. Lalo na kung kailangan maging model student para sa lahat.

Kailangan tuloy pa rin ang lahat kahit paano. Sayang ang oras kung huminto pa ako dahil dito. Naalala ko ang naka-print sa pencil holder ng Cancer zodiac sa dorm: "You will undergo a series of heartaches and failures, but after that will come a flash of brilliance and success."

Sana lang, kasi pagod na ako.

Magpapaalam na sa ‘yo ang aking kwarto

Comments: Post a Comment